Google 

May mga tuntunin at kundisyong nalalapat para sa mga pampromosyong credit para sa online na pag-advertise:

  • Posibleng kwalipikado ka para sa pampromosyong credit kung ikaw ay (a) isang bagong advertiser sa Google Ads at inihatid ang iyong unang ad impression mula sa una mong Google Ads account nang hindi lalampas sa 14 na araw bago mo ilagay ang iyong pampromosyong code; o (b) isang dati nang customer ng Google Ads at nag-enable ka ng bagong feature o produkto sa Google Ads o nag-reactivate ka ng hindi aktibong account, gaya ng tinukoy ng Google sa voucher. Ang naaangkop na eligibility requirement ay naka-saad sa offer na matatanggap mo mula sa Google.
  • Sisingilin sa mga advertiser ang lahat ng pag-advertise na lalampas sa pampromosyong credit. Puwedeng suspindihin ng mga advertiser ang kanilang mga ad anumang oras bago maubos ang pampromosyong credit kung ayaw nilang makatanggap ng mga karagdagang singil sa pag-advertise. Walang matatanggap na paalala ang mga advertiser kapag naubos na ang kanilang pampromosyong credit.
  • Kapag nakumpleto ang kinakailangang paggastos at/o mga pagkilos, hangga't natutugunan ang lahat ng pagsusuri sa eligibility, karaniwang mailalapat ang credit sa loob ng 35 araw sa Billing Summary ng iyong Google Ads account.
  • Mag-e-expire ang credit 60 araw pagkatapos itong mailapat sa iyong account, maliban na lang kung may ibang tinukoy sa mga karagdagang tuntunin at kundisyon para sa kaugnay na promosyon. Puwede mong tingnan ang balanse ng iyong pampromosyong credit at ang anumang naaangkop na petsa ng pag-expire sa pamamagitan ng pagsusuri sa tab ng Promotions sa ilalim ng Billing page ng Google Ads account mo anumang oras.
  • Subject ang offer na ito sa approval ng iyong ad, valid na pagpaparehistro, at pagtanggap sa mga karaniwang tuntunin at kundisyon ng Programa ng Google Ads.
  • Hindi maipapasa ang pampromosyong credit at hindi ito puwedeng ibenta o ipagpalit.
  • Puwedeng bawiin ng Google Asia Pacific Pte. Ltd. ang alok anumang oras sa anumang dahilan.
  • Ang mga advertiser ay responsable at hindi puwedeng gumamit ng pampromosyong credit sa pagbabayad ng anumang buwis o iba pang bayaring naipon. Hindi ibibilang sa pagkakaroon ng anumang pampromosyong credit ang pagbabayad ng Mga Advertiser ng anumang buwis o iba pang bayarin.
  • Isang pampromosyong credit bawat customer.
  • Posibleng kailanganin mong makaipon ng minimum spend sa pag-aadvertise at ma-bill ng ayos bago mailapat ang pampromosyong credit.
  • Posibleng limitado ang offer na ito sa automatic payments billing na opsyon.
  • Kung ang iyong Google Ads account ay iyong i-seset sa currency na iba sa currency ng account kung saan ibinigay ang pampromosyong credit mo, puwedeng sumailalim sa mga sa foreign currency fluctuations ang aktwal na halaga ng kinakailangang gastos, pati na rin ng pampromosyong credit.
  • Valid lang ang alok para sa mga customer na may billing address sa Pilipinas.
  • Mag-e-expire ang alok 3 buwan pagkatapos sa unang pag-issue ng media na naglalaman ng iyong voucher o sa petsa ng pag-expire na ibinigay sa voucher (kung mayroon).
  • Ang paggamit mo sa voucher na ito at/o sa pampromosyong credit ay nagsasaad ng pagtanggap mo sa mga tuntunin at kundisyong ito. Walang bisa ang offer na ito kung ipinagbabawal ng batas.
  • Pasensya at salamat sa pagbabasa nitong legal jargon!