KINAKAILANGAN ANG NETFLIX MEMBERSHIP.
Baluktutin ang oras para maglutas ng matatalas na platform puzzle sa update na ito ng indie classic na "Braid," na nagtatampok ng panibagong artwork at lubos na malalim na komentaryo ng creator.
Maglakbay mula bahay sa lungsod tungo sa isang serye ng magkakakonektang mundo kung saan kakaiba ang daloy ng oras, para mahanap ang isang mailap na Prinsesa. Habang naglalakbay, babalikan mo ang mga alaala't pagsisising bumabagabag pa rin sa iyo. Ang Pang-anibersaryong Edisyon na remaster ng premyadong platformer na ito ay may ganap na bagong-pinta't may mataas na resolution na graphics, bagong sound effects, at malalim na audio na komentaryo.
MANIPULAHIN ANG ORAS PARA SUMULONG
Mag-rewind, mag-pause, at gamitin ang mga kakaibang katangian ng oras sa bawat mundo para tumakbo at tumalon tungo sa napakagagandang ipinintang kapaligiran. Umiwas sa mga panganib, mag-unlock ng mga pinto, at kumolekta ng mga piraso ng jigsaw puzzle para buuin. Kung hindi mo malutas ang isang partikular na puzzle, pwedeng-pwede mo itong laktawan at balikan sa ibang pagkakataon.
PANIBAGONG PINTURA
Ito ang game na naaalala mo, kasama ang lahat ng orihinal na challenge at ang parehong kagila-gilalas na musika — pero bagong pintura ang kada pixel para bigyang-buhay ang bawat mundong maingat na ni-render nang may mataas na resolution. Mga bagong visual na detalye, naka-animate na brushstroke effects, at makabagong tunog para makadagdag sa immersive na karanasan.
SUMILIP SA BEHIND THE SCENES
Tuklasin ang pinakamalalim na komentaryo ng developer na inilagay sa isang laro, na may mahigit 12 oras ng naka-record na insight at usapan mula sa developer na si Jonathan Blow, artist na si David Hellman, at marami pang miyembro ng creative team ng "Braid." Bagtasin ito sa pamamagitan ng pagbisita sa isang bagong in-game na mundo, na mayroon ding mga bagong puzzle at bagong disenyo ng mga classic na puzzle.
- Nilikha ng Thekla, Inc.
Na-update noong
Hun 14, 2024